South Korean Ambassador, bumisita kay Duterte

(Eagle News) —
Personal na bumisita at binati ni Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae Shin si president-elect Rodrigo Duterte sa Davao City.

Humarap sa media ang ambassador at tiniyak na magpapatuloy na magiging bahagi sa pagpapaunlad ng bansa ang mga Korean company sa ilalim ng bagong administrasyon.

Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae Shin

Bukod dito, ipagpapatuloy din aniya ng South Korean government ang defense at military cooperation na sinimulan ng Aquino administration.

Ipinaabot din ng opisyal na nangangako ang Korean government na tutulong kay Duterte upang makamit ang target nitong masugpo ang krimen sa pamamagitan ng pagdo-donate ng $6.6 million worth of police equipment upang magkaroon ng mas maayos na lugar para sa mga negosyo sa Pilipinas.

Isa sa mga natalakay sa pag-uusap nina Duterte at ng Korean ambassador ang economic development kabilang na ang pagtatayo ng mga imprastraktura, transportasyon at agrikultura.

Una nang nagkasundo ang Korean government at Pilipinas sa isang 100-million dollar loan deal para sa Panguil Bay bridge na magkokonekta sa Tangub, Misamis Oriental sa Tubod, Lanao del Norte.

Layon ng nasabing proyekto na mapalago ang Mindanao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kailangang imprastraktura na magdudugtong sa hilaga at kanlurang bahagi ng Mindanao.

 

 

Related Post

This website uses cookies.