South Korean Film na Train to Busan, usap-usapan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagbigay ng magandang epekto ang word-of-mouth sa South Korean Film na “Train to Busan”.

At malamang aniya ay magkaroon ito ng sequel. First day pa lang kasi sa sinehan ay dinumog na ito ng napakaraming  movie goers. Pinag-uusapan din ito sa social media na pawang magagandang review mula sa iba’t-ibang  blog sites.

Kaya ang ilang mga sinehan sa buong Pilipinas ay hindi lamang isang theater ang binuksan kundi dalawa o tatlong cinema theaters para sa  zombie apocalypse thriller film.

Pinangunahan ito ng mga cast na sina Gong Yoo, Jung Yu-Mi at Ma Dong-Seok sa direksyon ni  Yeon Sang-Ho.

Ang pelikula ay umabot sa US$80,201,768 worldwide subalit siguradong bawing-bawi ito ng nasabing pelikula.

This website uses cookies.