Southern Luzon at malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, apektado pa rin ng habagat

(Eagle News) — Magpapaulan pa rin sa southern Luzon at malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang hanging habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Mindoro Provinces, Palawan, western Visayas, Zamboanga peninsula at ARMM dahil sa habagat.

Pinapayuhan ang mga residente sa naturang mga lugar ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay magiging maalinsangan ang panahon na maaaring ulanin sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.

Samantala, ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng weather bureau sa labas ng bansa ay huling namataan sa layong 1,780 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Hindi pa rin inaasahang papasok ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ay walang papasok na bagyo sa Pilipinas ayon sa PAGASA.

Related Post

This website uses cookies.