MANILA, Philippines (Eagle News) — Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na mabigyan ng special lending program ang mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ito ay para maalalayan na agad ang mga residente sa naturang lungsod at karatig-bayan na makapagsimula na ng kanilang munting ikabubuhay habang isinasagawa ang rehabilitation effort ng pamahalaan sa Marawi City.
Dagdag pa ng kalihim, palalawakin ang pondo sa pagbabago at pag-asenso o P3 program na isang uri ng micro finance program ng small business corporation kung saan nakapaloob ang mga livelihood kit na ipamamahagi rin ng DTI sa mga residente ng Marawi City.
Samantala, nanawagan naman ang DTI sa lahat ng rural banking sector na suportahan din at tulungan ang P3 program ng gobyerno.