Speed limit sa Bataan mahigpit na ipinatutupad 

(Eagle News) — Sa Bataan, mahigpit na ipinatutupad ang speed limit sa kahabaan ng Pablo Roman Highway, Gov. J.J. Linao Road, at bahagi ng Jose Abad Santos Highway na sakop ng mga bayan ng Hermosa at Dinalupihan.

Batay sa inaprubahang ordinansa ng sanguniang panlalawigan noong December 9, 2016, ang speed limit sa mga pambublikong sasakyan ay hindi dapat lalagpas sa 70 kph, 80 kph naman sa mga pribadong sasakyan, habang 50 kph naman sa mga truck, at 60kph naman sa mga motorsiklo.

Ang mga slow moving vehicles ay inaatasang manatili sa right most section ng highway.

Layon nitong masiguro ang kaligtasan ng motorista at ng publiko na dumadaan sa mga nasabing kalsada.

Ang sino mang lalabag sa ordinansa ay sasailalim sa traffic seminar ng Metro Bataan Development Authority, habang multang P2,500 at traffic seminar sa ikalawang offense at multang P5,000 o pagkakakulong ng isang taon sa ikatlong offense.