MANILA, Philippines (Eagle News) – Hinihimok ng ilang environmental advocates na ideklara ang Spratly Islands bilang Marine Protected Area. Pinangunahan ito ng grupo ng Albert del Rosario Institute, Philippine Business for Environmental Stewardship at ng ilang international expert at nananawagan sa gitna ng umano’y pagkasira nito dulot ng pagpapatayo ng China ng mga imprastraktura sa Spratly Islands.
Ayon sa mga environmental advocate, nakalulunos na umano ang pagkasira ng marine ecosystems ng pinagtatalunang teritoryo. Anila, dapat maging masigasig na sa pagsusumikap sagipin ang mga natitirang coral reefs at iba pang marine reserves. Napakahalaga anilang maprotektahan ang marine resources ng Spratly Islands dahil doon nanggagaling ang mga isdang nahuhuli sa mga karagatan ng Luzon, Palawan, Malaysia, Sulu, Brunei, Vietnam, at China.
Jet Hilario, Eagle News Service