SRP system, handang ipatupad ng DA sa ilang farm products

(Eagle News) — Nakahanda ang Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail price (SRP) system sa ilang farm products.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, masasakop ng ipapatupad na SRP system ang bigas, mga gulay at tatlong uri ng isda.

Ayon pa kay Piñol, kabilang sa mga gulay na sakop ng SRP system ay pechay at talong, habang bangus, galungong at tilapia naman ang sakop ng SRP sa ilalim ng fisheries products.

Inaasahan naman na maipapatupad ang SRP simula sa susunod na linggo.

“The implementation will be covered by the anti-profiteering law,” ayon kay Piñol.