SSS membership ng OFWs, gawing mandatory’

(Eagle News) — Iminungkahi ng Social Service System (SSS) sa Kongreso na gawing mandatory ang membership ng lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakabase sa labas ng bansa.

Ito ay upang makalikom ang ahensiya ng karagdagang pondo lalo pa’t sinimulan na nito ang pagbigay ng Php 1,000 pension increase para sa SSS retirees.

Inihayag ni SSS Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña, ito ang kanilang ipapanukala sa Kongreso upang mayroong basehan ang naisip nilang plano.

Sinabi ni La Viña na marami naman umanong OFWs lalo na mula sa japan ang naghayag ng kanilang pagsuporta kung sila ay isasali na maging miyembro ng SSS.

Iginiit ni La Viña na hindi naman maitatago ang katotohanan na mismo ang OFWs ang nagbigay panalo upang maluklok-sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.

Inihayag ni La Viña na hahabulin din nila ang ilang employer na hindi nag-remit ng SSS contributions ng kanilang mga trabahador.

Ito ang dahilan kaya hinuhuli at kinakasuhan ng ahensiya ang mga employer na nagtaksil sa kanilang mga empleyado.

Related Post

This website uses cookies.