Sta. Cruz Island sa ZamboangaCity kasama sa listahan ng 21 Best Beaches in the World

STA. CRUZ, Zamboanga City (Eagle News) — Labis ang kasiyahan ng mga taga-Zamboanga City matapos na makasama sa listahan ng pinakamagandang beach sa buong mundo ang Sta.Cruz Island.

Ang Sta. Cruz island na nakilala dahil sa kulay pink na buhangin ay nakasama sa 21 best beaches in the world ng National Geographic.

Maliban sa pink sand, ipinagmamalaki rin nila ang magagandang coral reefs sa isla at iba pang atraksyon.

Sa ngayon ay bantay sarado ng Task Force Zamboanga ang isla upang matiyak ang seguridad ng mga turistang dumadayo lokal man o dayuhan.