State of calamity idineklara na sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro

NAUJAN, Oriental Mindoro (Eagle News) – Nagdeklara na ng state of calamity sa Naujan, Oriental Mindoro.

Inirekomenda ito ng Naujan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa Sangguniang Bayan matapos makapagtala ng P1.1 milyong halaga ng pinsala sa palaisdaan, P115,000 na halaga ng mga napinsalang pasilidad at P1.7 milyong stocks sa warehouse products.

Ayon kay MDRRMC Officer Jeory Geroleo, tatlong barangay ang nakapagtala ng kabuuang P200,000 halaga ng napinsalang livestock.

Aniya ang mga nabanggit na figures ay inisyal pa lamang at hindi pa kasama dito ang nasa 4,000 ektarya ng mga pananim na napinsala ng bagyo. (Eagle News Service)