“Stay fit, iwas sakit” physical fitness activity ng DZEC Radyo Agila, matagumpay

Nagsagawa ng physical fitness activity ang mga kawani ng DZEC Radyo Agila sa pagsapit ng ika-49 na taong pagkakatatag nito.

Ang aktibidad na tinawag na may temang ”Stay Fit, Iwas Sakit”  ay dinaluhan ng mga residente ng Barangay Culiat, Quezon City.

Dumalo rin dito ang iba pang mga kawani ng Eagle Broadcasting Corporation.

Ang aktibidad ay kinapalooban ng dalawang bahagi—ang  una ay ehersisyo sa pamamagitan ng zumba at ang ikalawa ay ang health forum.

Bago simulan ang nasabing aktibidad ay nagsagawa muna ng libreng blood pressure monitoring at blood sugar –glucose testing sa mga lumahok.

Sa health forum, tinalakay ng mga resource persons na sina Dr. Roel Tolentino, isang surgical oncologist, at Dra. Imelda Edodollon, kung paano mapananatiling malusog ang katawan at makaiwas sa mga uri ng karamdaman lalo na ang mga non-communicable diseases tulad ng hypertension, diabetes, cancer, chronic obstructive pulmonary diseases at iba pa.

Binigyang diin pa ng dalawang doktor na dapat ring iwasan ang stress  dahil malaking factor ito sa ikapagkakaroon ng sakit.

https://youtu.be/QXvI1EbgmGA