MANILA, Philippines (Eagle News) — Pagaganahin na sa taong 2022 ang tatlong istasyon ng subway na magdudugtong sa Quezon City at Pasay City.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, magagamit na ang mga estasyon sa Mindanao Avenue, North Avenue at Tandang Sora, apat na taon mula ngayon.
Kaya aniya nitong i-accommodate ang nasa 120,000 na mga pasahero.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng 14 na istasyon ng subway sa taong 2023.
Ito ang magkokonekta sa Mindanao Avenue at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Humingi naman si Tugade ng pang-unawa sa publiko sa idudulot na mabigat na trapik ng gagawing subway.