Pagsusugal sa mga lamay, huhulihin na rin

DAVAO CITY (Eagle News) – Masidhi ang pagnanais ng mga nasa hanay ng kapulisan na ipatupad ang pagkulong sa mga mahuhuli nilang nagsusugal kahit sa lamay ng patay, ito ang ipinahayag ni Davao City Police Office (DCPO) Senior Inspector Catherine Dela Rey.

Aniya, hindi na palalagpasin kahit ang mga pagsusugal sa lamay lalo na kung ang layunin ng sugal ay ang pag-kolekta ng abuloy para sa namatayan.

Kaniya ring ipinahayag na maaaring tumulong ng diretso sa pamilya ngunit hindi na ito kailangang ipadaan pa sa anomang uri ng sugal. Maaari pa rin umanong magdala ng baraha at iba pa upang hindi antukin, ngunit dapat aniya ay walang involve na pera.  Ang mga mahuhuli at gagawa nito ay ikukulong.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

 

Related Post

This website uses cookies.