MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinimulan na nitong Martes, Abril 10, ang paglilinis sa ilang tourist spots sa Oslob, Cebu.
Isinara na rin ng mga otoridad ang sandbar at diving site sa isla ng Sumilon dahil sa mga basurang iniwan ng mga turista nitong long holiday.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Oslob, pansamantalang isasara ang isla ng Sumilon mula Abril 10 hanggang Abril 16.
Kahapon ng umaga ay nagtulung-tulong na nagsagawa ng coastal cleanup ang lokal na pamahalaan ng Pslob sa pangunguna ni Mayor Jose Tumulak.
Kasama rin sa mga naglinis sa nasabing isla ang mga tauhan ng Oslob PNP.
Aminado naman ang lokal na pamahalaan ng Oslob na maaapektuhan ang kita sa isla dahil sa pansamantalang closure.
Pero anila ang kanilang prayoridad ay ma-preserve at mapangalagaan ang nasabing tourist destination.
Tutulong naman ang mga tauhan ng Oslob-Philippine National Police sa pagtiyak na walang mga turista ang magtutungo sa lugar sa nabanggit na petsa na pansamantalang closure ng Sumilon Island. Aily Millo