ZAMBOANGA del Norte, Philippines (Eagle News) – Tinatayang umabot na sa 10,830 ang kabuuang surrenderees sa buong probinsiya ng Zamboanga del Norte. Ito ang opisyal na naitala hanggang noong Martes, August 9. Ito ang kinumpirma ni Police Superintendent Kiram I. Jimlani, Deputy Provincial Director for Operation.
Ayon kay PSupt. Jimlani mayroon ng 10,523 users at 307 pushers ang sumuko mula ng pinaigting ni Pangulong Rogrigo Dueterte ang kampanya ukol sa illegal na droga.
Tiniyak naman ni Police Senior Supt. Edwin BC. Wagan, Acting Provincial Director, ang programa ng Pangulong Duterte na bibigyan ng trabaho ang lahat ng mga surrenderees na gustong magbagong buhay.
Patuloy pa rin ang kampanya ng mga awtoridad sa mga kinauukulan na huwag palampasin ang pagkakataong ibinibigay ng ating bagong pangulo.
(Courtesy: Rosevelt Mondinido at Ben Bayawa – Dipolog City, Zamboanga del Norte Correspondent)