Sunog naganap sa Highway Homes Alabang; transmission line sa lugar sumabog at tumaob

MUNTINLUPA CITY, Metro Manila (Eagle News) – Umabot sa third alarm ang sunog na naganap sa Highway Homes Alabang malapit sa Expressway Alabang Exit nitong Miyerkules, April 19, bandang alas-nueve ng umaga (9:00 AM).

Ayon sa ilang residente, sa gasera daw nagsimula ang nasabing sunog. Mabilis itong kumalat kaya ang tower line o transmission line na malapit sa lugar ay sumabog at tumaob.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, pinahina ng sunog ang pundasyon ng Tower 34.

“Fortunately, due to NGCP’s line redundancy system, there were no power interruptions,” sabi ng NGCP.

Subalit ayon sa mga residente, sa kasalukuyan ay walang kuryente sa nasabing lugar.

“NGCP is coordinating with the Bureau of Fire Protection (BFP) and related agencies. Updates will be issued as soon as more information is available,” dagdag ng NGCP.

Nabuwal din ang tower ng Napocor na malapit sa taas ng flyover.

Tinatayang aabot sa 50 na pamilya ang nadamay sa nasabing sunog. May mga motor din na nasunog sa nasabing lugar.

Dineklarang out ang sunog ganap na alas 10:15 ng umaga.  Henry Crisostomo at Dan Ronald Generaga – EBC Correspondents, Metro Manila

 

Related Post

This website uses cookies.