MANDAUE City, Cebu — Mahigit sa 160 na bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa barangay Basak, Mandaue City, Cebu, kahapon, Pebrero 23. Nagsimula ang sunog alas diyes y media ng umaga (10:30 am) na agad namang naapula ng ala onse bente ng umaga (11:30 am) sa agarang pagresponde ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP), subalit nahirapan ang mga ito dahil sa sobrang sikip na mga daanan papunta sa pinangyarihan ng sunog.
Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang nagngangalang “Conchita”.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga karatig bahay na pawang mga gawa sa light materials.
Mahigit sa siyamnapu’t limang pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog.
Tinatayang nasa isang milyong piso naman ang halaga ng mga napinsalang ari-arian. Wala namang naiulat na nasawi sa nangyaring sunog subalit may ilang nasugatan.