Sunog sa isang bodega sa Batangas

PADRE GARCIA, Batangas (Eagle News) — Tinatayang aabot sa tatlumpung milyong pisong (Php 30M) halaga ng ari-arian ang natupok sa limang oras na sunog sa isang bodega sa Padre Garcia sa Batangas. Mabilis ang naging pagkalat ng apoy kaya kinailangan pa ng tulong ng mga pamatay-sunog mula sa mga kalapit bayan.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing sunog habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Related Post

This website uses cookies.