TONDO, Manila (Eagle News) — Isang sunog ang naganap sa Corcuerra, sa kanto ng Dandan Street, nitong Martes, November 28.
Ayon sa ilang residente, nagsimula ang sunog sa ganap na 11:25 ng umaga.
Nagmula ang sunog sa kisame ng isang bahay at kumalat na ang apoy nito hanggang nadamay na ang mga kalapit pang bahay.
Umabot sa ikalawang alarma ang nasabing sunog, na tumupok sa limang bahay na pawang mga gawa sa light materials.
Bandang 1:45 ng hapon nang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire-out na ang sunog.
Wala namang namatay o casualties sa nangyaring insidente.
Kasalukuyan pa ring iniimbistigahan ng BFP kung paano nagsimula ang sunog.
(Eagle News – Viczarso Gonzales)