DAVAO CITY (Eagle News) — Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Adzar Albani bumaba na ang ang supply ng iligal na droga sa Davao City dahil sa epektibong paraan ng pagkakampanya upang maiwasan ito.
Sa ngayon ay nakasentro ang mga ginagawa nilang buy bust operations sa mga karatig probinisya.
“Dahil sa bumaba ang supply ng iligal na droga sa lungsod ay tumaas naman ang presyo ng bawat gramo nito,” pahayag ni Albani.
Batay na rin aniya ito sa kanilang ginawang imbentaryo sa mga nakumpiskang shabu sa mga nahuling suspek, bawat gramo ay nagkakahalaga ng labing limang libong piso (P 15,000).
Dagdag pa ni Albani na ang supply ng iligal na droga ay mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kaya naman mas hihigpitan pa nila ang pagmo-monitor para hindi ito makapasok sa lungsod ng Davao.