CAGAYAN DE ORO CITY, Misamis Oriental (Eagle News) – Kinumpirma ng National Food Authority (NFA) sa isinagawang press conference ng Cagayan de Oro noong Huwebes, June 29, na may sapat na supply ng bigas na kayang suportahan ng siyam na araw ang mga mamamayan sa Region 10.
Ayon kay Hazel Belacho, spokesperson ng NFA, hindi totoo ang balita na kulang na ang supply ng bigas dahil personal nilang mino-monitor ang lahat ng nagbebenta ng bigas sa rehiyon.
Ayon sa mga awtoridad, may nakaimbak na bigas pa na umabot sa 251,000 na sako.
Lalo pa aniyang tumaas ang supply ng bigas mula sa Bukidnon at Lanao del Norte na sentro ng taniman ng palay.
Naka-monitor din aniya ang NFA sa presyo ng bigas lalo na’t nahaharap sa matinding krisis ang Marawi City.
Richard dela Cruz – Eagle News Correspondent, Cagayan de Oro City