Supply ng kuryente at tubig sa Surigao City, naibalik na – NDRRMC

(Eagle News) — Balik-normal na ang supply ng kuryente at tubig sa Surigao City at iba pang lugar matapos maapektuhan ng magnitude 6.7 magnitude na lindol.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan, naibalik na ang supply ng kuryente at tubig sa mga lugar na naapektuhan ng lindol maliban sa mga bayan ng Mainit at San Francisco.

Pero tiwala naman ang ahensya na maibabalik na ito ngayong linggo.

Sa tala ng NDRRMC nasa 1,790 ang kabahayang nasira dahil sa lindol.

Nananatiling suspendido naman ang pasok sa paaralan at opisina sa Surigao City dahil sa  nagpapatuloy na inspection at clearance ng mga gusali ng mga safety engineer.

Nasa 112 point 45 million naman ang kabuuang halaga ng naging pinasala at walo naman ang kumpirmadong nasawi habang 202 ang sugatan.

Related Post

This website uses cookies.