Supply ng kuryente sa Batangas, balik na sa normal

Eagle News — Balik normal na sa pagsu-supply ng kuryente sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang isa sa dalawang pasilidad ng ‘first gen corporation’ na napinsala ng ‘Batangas quake’.

Ayon sa NGCP, agad nilang nakumpuni ang unit 60 ng San Lorenzo switchyard  na nagkokonekta sa San Lorenzo, San Gabriel at Avion Natural Gas Plants sa NGCP.

Tiwala ang korporasyon na makukumpuni at maibabalik na rin sa operasyon ang unit 50.

Nakapag-su-supply na rin ng kuryente  sa NGCP, ang  one thousand megawatts Santa Rita Power Plant, matapos matiyak sa isinagawang assessment  na walang  pinsala sa nangyaring pag-lindol.

https://youtu.be/0ZILlZG7aYA