Surgical Mission, sinimulan na ng Bukidnon Provincial Hospital sa Maramag

BUKIDNON (Eagle News) – Sinimulan na noong Miyerkules, Oktubre 12 ang Surgical Mission ng Bukidnon Provincial Hospital sa Bayan ng Maramag sa pangunguna ni Ambassador Alfonso T. Yuchengco ng AY Foundations Inc. sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Metro Maramag (RCMM) at Philippine College of Surgeons. Kasama din ang Philippine Countryville College (PCC) at First Bukidnon Electric Cooperative (FIBECO) bilang co-sponsors sa nasabing surgical mission.

Libre ang lahat para sa mahihirap at inaanyayahan din ang iba pang residente para sa gagawing screening. Target naman nila ang mahigit 300 pasyente para sa kanilang inihandog na mga surgical cases. Narito ang ilang mga target surgical cases tulad ng:

  • Cleft Lip/Palate (Lamat Labi)
  • Breast mass
  • Submandibar Mass
  • Cholelithiasis
  • Thyroid
  • Hernia (luslos)
  • Parotid Mass
  • Baker’s cyst
  • Myoma/Ovarian cyst
  • Lipoma/Sebaceous cyst

May labin dalawang (12) araw na inilaang libreng surgical mission kung saan ay matatapos ito sa October 23. Samantala sa unang araw pa lang ay dumagsa na ang mga maraming residente sa hospital kung saan isinagawa ang Surgical Mission para sa unang screening. Tuwing 8:00 ng umaga sinisimilan ang operasyon.

Robert Segovia at Notchie Malmis, EBC Correspondent, Bukidnon

 

This website uses cookies.