SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nasa heightened alert ngayon ang Task Force ng City Peace and Order Council sa Surigao City para sa mahabang bakasyon.
Ayon kay Annette Villaces, Public Information Officer, kasalukuyan ng aktibo ang nasa Philippine National Police, Philippine Army para sa security checkpoints ng lungsod.
Nagsimula na ang pagpapakalat ng mga awtoridad sa mga point of entry para maisiguro at mapanatili ang kapayapaan sa buong lalawigan. Gayundin ang Philippine Coastguard para ma-regulate ang dami at eksaktong pasahero para sa mga motor banca na bumabiyahe ng Siargao, Dinagat Islands Province at mga karatig na munisipyo.
Kasalukuyan ng naka-standby naman sa iba’t-ibang stations ang mga nasa Emergency Response Services para sa medical na mga pangangailangan. Patuloy naman ang occular inspection ng Task Force ng CPOC para masubaybayan at malaman ang mga dagliang pangangailangan ng mga bumabyahe at magbabakasyon sa ibang lugar na dadaan ng Surigao City.
Jabes A. Juanite – EBC Correspondent, Surigao del Sur