(Eagle News) — Maganda ang magiging epekto lalo na sa mga kabataan ang panukalang surprise inspection sa mga paaralan.
Sa panayam kay Philippine National Police Director General Oscar Albayalde, sa murang edad ng mga batang mag-aaral ay namumulat na sila sa kapahamakang dulot ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang kalusugan at maging sa buong komunidad.
“Yung education dito na sa murang edad, dapat maeducate ang mga kabababayan. Ito yung tinatawag natin na “pag-asa ng bayan.” What will happen dito sa ating bansa kung ito pong pagtanda nila o paglaki nila ay maging adik kaagad. Ito po yung iniiwasan natin,” pahayag ng opisyal.
Pero nauna nang nilinaw ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief General Guillermo Eleazar na hindi mga pulis ang magkakalkal ng kagamitan ng mga estudyante kundi mga miyembro school faculties.
Ang panukala ng NCRPO na surprise inspection sa mga paaralan ay nag-ugat sa pagkakatuklas ng marijuana sa bag ng isang Grade 5 student sa isinagawang police operation.