Surprise visit sa mga drug surrenderee sa Biñan, Laguna

BIÑAN, Laguna (Eagle News) — Muling pasorpresang binisita ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at pulisya ng Biñan, Laguna ang mga drug surrenderee na hindi na umano aktibo sa mga programang inilaan sa kanila.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni P/Supt. Elpidio “Jong” Ramirez, hepe ng Biñan City Police Station, at ni Kap. Allan Farcon, pinuno ng Bgy. San Antonio ng nasabing lungsod.

Ayon kay Ramirez, sa pagbisita sa mga surrenderee sa naturang siyudad ay layunin nilang alamin at patunayan kung gumagamit pa sila ng ipinagbabawal na gamot at kung ipinagwawalang-bahala na nila ang mga programang inilaan sa kanila.

Anumang oras o araw aniya ay ipatatawag nila ang mga ito upang isagawa ang mandatory drug-testing.

Ito na umano ang kanilang huling pagkakataon kung ayaw nilang maaresto at makulong nang tuluyan.

Muling ipinaalaala sa mga surrenderee na ang siyam na buwan ay mahabang panahon upang mag-isip at magdesisyon kung tatanggapin nila ang pagbabagong buhay na inilalaan sa kanila ng gobyerno. (Eagle News Correspondents Jackie Palima and Wilson Palima)

Related Post

This website uses cookies.