Suspek sa pumatay sa traffic enforcer sa Quezon City, arestado

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nahuli na ang suspect na walang awang namaril at sumagasa sa Cubao Traffic Enforcer na si Ernesto Paras noong nakaraang biyernes matapos lamang sawayin sa maling pagpaparada ng sasakyan nito.

Kinilala ang suspek na si Geronimo Iquin  o kilala sa tawag na Jhun, apat napu’t anim na gulang at naninirahan sa Extreme Diesel Calibration Center Barangay Holy Spirit, Quezon City.