(Eagle News) — Inaasahang sa 3rd quarter ng taon isasagawa ang susunod na Bilateral Consultative Mechanism sa pagitan ng China at Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, wala pang eksaktong petsa pero posible aniyang isagawa ito sa Agosto o Setyembre.
Inaasahan aniyang mapag-uusapan ng dalawang bansa ang progress report ng resulta sa panel study hinggil sa gas cooperation sa West Philippine Sea.
Noong Pebrero nang isagawa ng Pilipinas at China ang ikalawang meeting para sa BCM.
May 2017 nang maitatag ang nasabing mekanismo na nagsisilbing venue sa dalawang bansa para talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa sigalot sa West Philippine Sea.
https://youtu.be/PpK_jwEPIKY