(Eagle News) — Umaapela ang mga operator ng city at provincial bus ng taas-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Piso ang hinihirit na pagtaas ng bus operators sa National Capital Region (NCR) para sa unang limang kilometro para sa ordinaryong bus at piso at bente sentimos naman sa air-conditioned na bus.
Katorse sentimos naman ang hinihingi ng provincial bus operators para sa kanilang ordinary bus at disi- sais sentimos hanggang bente dos sentimos para sa air-conditioned na bus.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) wala pa silang desisyo ukol sa hinihirit ng Alliance for Concerned Transport Organizations (ACTO) na pamasahe mula sa Php 9.00 hanggang Php 12.00.
Maging ang UV express operators’ humirit din ng dalawang pisong fare increase.