Tag: Iglesia Ni Cristo

INC Life matagumpay na naisagawa sa Urdaneta City, Pangasinan

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) -Matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo sa silangang bahagi ng Pangasinan ang aktibidad na INC Life. Isinagawa ito sa Urdaneta City University Gymnasium, Urdaneta City, Pangasinan noong sabado, November 26, 2016. Layunin ng aktibidad na maipakita sa publiko kung paano nagsimula ang INC na ngayon ay nakalatag na sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Dito ipinakita ang pagtatagumpay ng INC sa pamamagitan ng mga larawan at video presentations ng iba’t-ibang gawain […]

“Moral and Spiritual Enhancement Program” para sa BJMP Pangasinan inmates, isinagawa ng INC

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – “Moral and Spiritual Enhancement Program, Family Outreach & After Care Program at Feeding Program” ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Urdaneta District Jail, Brgy. Anonas, Urdaneta City, Pangasinan kamakailan. Magkatuwang itong isinagawa ng mga pamunuan ng Urdaneta District Jail sa pangunguna ni Jail Chief Inspector Roque Constantino Sison III at ng mga INC Church officers ng Urdaneta City. Itinuro sa mga inmate kasama ang kanilang pamilya ang […]

Clean up drive isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tandag City Boulevard

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Hindi nahadlangan ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na isagawa ang clean up drive kahit pa nagbabadya ang masamang panahon. Maaga pa lamang (6:00 am) nitong sabado, November 19, 2016 ay nagtipon-tipon na sila sa Boulevard, Tandag City, Surigao del Sur upang pagtulung-tulungan itong linisin.  Inalis nila ang mga nagkalat na basura at binunot naman ang mga nagtataasang damo. Masaya naman ang mga sumama sa nasabing aktibidad […]

Bagong kapilya ng Iglesia ni Cristo sa San Pablo City, Laguna pinasinayaan

SAN PABLO CITY, Laguna (Eagle news) – Labis na ikinagalak ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang pagpapasinaya ng bagong kapilya sa Barangay Del Remedio, San Pablo City, Laguna. Pinangunahan ito ni Bro. Homer A. Tiomico, District Supervising Minister ng Laguna South. Dahil sa pagdami ng mga umaanib sa INC, ito na ang ikaanim na lokal na ibinukod galing sa lokal ng San Pablo mula noong taong 2014 . Lubos naman na nagpapasalamat ang mga miyembro […]

INCares isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. Bunacan, San Isidro, Leyte

SAN ISIDRO, Leyte (Eagle News) — Upang maidama ang pagmamalasakit at pagmamahal sa mga residente ng Brgy. Bunacan, San Isidro, Leyte ay sinikap ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na marating ito. Sa pangunguna ni Bro. Herbert Puedan, ministro ng ebanghelyo at ng mga opisyales ng Christian Family Organization (CFO) ng INC ay nagsagawa sila ng isang aktibidad na tinatawag nilang INCares. Namahagi sila ng mga school supplies katulad ng mga sumusunod: Papel Notebook […]

INC members from locale of Brimbank, District of Australia West conduct ‘Parents and Grandparent’s Appreciation Day’

(Eagle News) – INC members from the locale of Brimbank, District of Australia, held an event dubbed as “Parents and Grandparent’s Appreciation Day”. This event was organized by the youth members or the Christian Family Organization Kadiwa, Binhi and Children’s Worship Service officers. The aim of the event was to show appreciation to all parents and grandparents that have attended the said event and also recognized couples that have been together for so many years. The […]

EVM Cup isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa kanlurang bahagi ng Leyte

KANANGA, Leyte (Eagle News) – Isinasagawa ngayong araw, Biyernes, November 4, 2016 ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Kananga Municipal Gymnasium, Kananga, Leyte ang EVM Cup Ministers & CFO Officer Edition. Ang mga ministro ng ebanghelyo at church workers ay naglalaro ng basketball habang volleyball naman para sa kanilang mga asawa. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Benjamin C. Omelda, District Minister ng Leyte West katuwang si Bro. Herbert Pueda, ministro ng ebanghelyo. Bakas ang […]

Clean up drive isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Maagap ang naging pagtugon ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isinagawang clean up drive sa Bislig City, Surigao del Sur. Pinangunahan ito ni Bro. Eugenio Capanpan, Jr, District Minister ng nasabing lalawigan.  Buong kasiglahan naman na nakiisa ang mga miyembro ng INC sa nasabing aktibidad na mula pa sa iba’t ibang lugar ng Surigao del Sur. Maaga pa lang ngayong araw ng Biyernes, November 4, […]

Paglulunsad ng programang “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo” matagumpay

(Eagle News) — Matagumpay at naging makasaysayan ang programang inilunsad na may temang “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo” sa Philippine Arena na ginanap noong Linggo, Oktubre 30. Tampok sa aktibidad ang Grand Evangelical Mission at video presentation ng mga naging papel at kontribusyon ng Iglesia Ni Cristo sa sangkatauhan. Ilang mga opisyal ng gobyerno at mga kababayang propesyunal naman ang nagpaunlak sa imbitasyon.

Pangkasiglahang aktibidad isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tapaz, Capiz

TAPAZ, Capiz (Eagle News) – Naging matagumpay ang isang aktibidad pangkasiglahan ng Iglesia Ni Cristo sa Bayan ng Tapaz, Capiz na tinawag nilang “Tapaz Day”. Isinagawa ito noong Martes, November 1, 2016 sa Tapaz Civic Center. Ang maghapong aktibidad ay nadulot ng kasiyahan sa mga dumalong miyembro ng INC kasama ang mga umaanib pa lamang dito (sinusubok at doktrina). Sinimulan nila ang programa sa ganap na 7:30 ng umaga sa pamamagitan ng Zumba. isinunod naman agad ang […]