Taguig nanguna sa mataas na populasyon sa NCR

TAGUIG City, Philippines — Nanguna ang Taguig City sa National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na populasyon.

Base sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) mayroong average population growth rate ito na 4.32 percent mula 2010 hanggang 2015.

Nahigitan niya ang Mandaluyong City na mayroong 3.12 % at Parañaque City na mayroon lamang 2.39 %.

Nakasaad dito na lumobo ng 805 thousand ang populasyon ng Taguig mula pa noong August 2015 na dati ay 644 thousand noong 2010.

Naitala naman ng Navotas City ang pinakamababang average sa NCR mula 2010 hanggang 2015 na mayroong 0.03 %. (Eagle News)

Related Post

This website uses cookies.