Tail end ng cold front, nakaka-apekto sa silangang bahagi ng Mindanao

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Patuloy pa ring makakaranas ng makulimlim na panahon at buhos ng ulan ang malaking bahagi ng Eastern, Central at Western Visayas

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tail-end of a cold front ang nakakaapekto ngayon sa nabanggit na mga lugar maging sa bahagi ng northern at western Mindanao.

Paliwanag pa ng PAGASA, ang extension ng cold front ang naghahatid ng makapal na ulap sa malaking bahagi ng ating bansa.

Samantala, inaalerto rin ng PAGASA ang mga naninirahan sa lalawigan ng Cagayan at mga karatig nitong probinsya dahil sa ulang dala ng hanging Amihan.