(Eagle News) – -Inanunsyo ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na sila ay mamimigay ng iba’t-ibang scholarship programs para sa mga kuwalipikadong Filipino students.
Ang mga scholarship ay para sa mga postgraduates na gustong mag-aral sa Taiwan o sa mga nagnanais na matuto ng Mandarin.
Binuksan na ang application para sa mga sumusunod na scholarship programs:
Ministry of Education Scholarship na magbibigay ng 2 years para sa Masteral at 4 years sa Doctorate Degree.
Huayu (mandarin) enrichment kung saan maaring mamili sa 2 o 3 na buwang intensive Mandarin courses.
Scholarship mula sa International Cooperation And Development Fund (ICDF), na magbibigay din ng Master’s at Doctorate degree;
At Ministry of Science and Technology na magkakaloob ng 2 taong scholarship sa master’s at 3 taon para sa doctorate.
Para sa mga interesado, matatagpuan ang detalye sa www.roc-taiwan.org/ph.