(Eagle News) — Inanunsyo ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO), ang iba’t ibang scholarship program para sa mga kwalipikadong mga mag-aaral na Pilipino na nagnanais makapagtapos sa mga education institution ng Taiwan o matuto ng wikang Mandarin.
Kabilang dito, ang dalawang taong scholarships para sa Master’s at apat na taon sa Doctoral degree.
Sasagutin ng M.O.E ang matrikula at buwanang allowance.
Nagsimula ang aplikasyon noong Pebrero 1 at magtatapos sa Abril 30.
Samantala, ang nagnanais matuto ng mandarin ay kailangang mag-apply mula Pebrero 1 hanggang Marso 31.