DAVAO CITY (Eagle News) – Nakipagkita kamakailan ang Taiwan Trade (TAITRA) Magazine Inbound Mission-Research Group sa Davao City Investment Promotion Center (DCIPC) at sa Department of Trade and Industry (DTI) sa Davao Field Office. Sa nasabing pagkikita ay napag-usapan nila ang business opportunities para sa Taiwanese companies sa lungsod ng Davao.
Ang TAITRA ay isang non-profit trade promotion organization na tumutulong sa mga negosyo sa Taiwan. Ito rin ang gumagawa ng reinforcing international competitiveness.
Ayon kay Harrison Lan, director ng TAITRA, ang layunin ng kanilang business study mission ay upang malaman ang tungkol sa demographics, economic profile, priority investment areas at incentives packages ng Davao City. Nais din umano nilang malaman ang ilang pang business environment at opportunities na maaaring maibigay ng Davao City sa mga Taiwanese businessmen.
Ang kanilang research group aniya ay naghahanap ng posibleng Public-Private Partnership (PPP) projects na maaaring salihan ng mga Taiwanese companies. Ang Taiwan ay kilala sa manufacturing industry. Isa na rito para sa quality laptops, cellphone gadgets at security solutions.
Ayon naman kay Davao City Investment Promotion Center OIC – Lemuel Ortonio, ikinatuwa nila ang ipinapakitang malaking interes ng Taiwanese investors sa Davao City.
Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City