(Eagle News) — Mahalagang ituro nang tama ang wikang Filipino ng mga guro para maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa pakikipagtalastasan ng lahat lalo na sa maunlad na bansa.
Ito ang binigyang-diin ni National Artist Dr. Virgilio S. Almario na siya ring tagapangulo ng Pambansang Kongreso ng Wikang Pilipino na nagsasagawa ngayon ng kumperensya sa Baguio City.
Aniya, mahalagang matutuhan ang tamang paraan ng pagsasalin o translation, mula sa mahirap na mga salita at panitikan, para maintindihan ito ng mga mang-aaral.
Sinabi pa ni Almario na ang tamang pagsasalin ay mabisang daaan sa mabisa ring pagtuturo ng wikang Filipino sa panitikan sa K-12 program.