(Eagle News) — Isasara na sa mga motorista ang flyover at intersection sa Tandang Sora, Quezon City hanggang sa taong 2020, para bigyan-daan ang kontruksyon ng Metro Rail Transit (MRT- 7).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, magsisimula ang pagsasara sa Sabado, Pebrero 23 sa ganap na alas once ng gabi (11:00 PM) hanggang sa matapos na ang MRT-7.
Ayon kay Garcia, sa halip na makatulong ay lumikha lamang ng traffic ang flyover kaya’t kailangan nang tanggalin.
At kapag isinara na ang flyover ay dire-diretso na ito hanggang 2020.
Kabilang sa MRT-7 project ang pagtatayo ng 23-kilometer railway system na may labing-apat na istasyon mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.
Bahagi ang proyekto ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.