(Eagle News) — Naagapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tangkang hacking sa kanilang official website.
Ito ang inanunsyo ni BSP governor Amando Tetangco, Jr. sa kaniyang pahayag sa Financial Inclusion Summit 2016 sa Maynila.
Naniniwala ang BSP chief na seryoso ang naturang usapin kaya ginagawa aniya nila ang lahat ng hakbang upang matiyak na intact ang kanilang website security features.
Matatandaang una nang na-hack ang Central Bank of Bangladesh kaya nailipat ng mga magnanakaw ang $81 million patungo sa account sa Pilipinas na hanggang ngayo’y patuloy pa ring iniimbestigahan ng senado.