Tarlac, apektado na rin ng matinding init ng panahon

Matinding kalbaryo ang nararanasan ngayon ng mga taga-Central Luzon, partikukar na sa lalawigan ng Tarlac, dahil sa sobrang init ng panahon na labis na ikinaiirita ng marami at nagiging sanhi pa ng heat stroke at naging dahilan rin ng agarang kamatayan.

Screen Shot 2016-04-21 at 1.41.34 PM

Sa mga lansangan, kapansin-pansin ang mga kababayan natin na gumagawa ng paraan para maproteksiyonan ang kanilang mga sarili sa sobrang tindi ng sikat ng araw, na halos anila’y nakakapaso at mahapdi sa balat. Mga nakapayong, naka-sumbrero, nakatalukbong at may mga nagpapaypay pa habang naglalakad, maibsan lamang ang init o banas ng katawan.

Ilan naman ang nagkakayayaan para maligo at magbabad sa mga beach resort para mapawi ang init na nararamdaman.

 

Paano nga ba tayo makatutulong para maibsan o maiwasan ang global warming?

Narito ang ilan sa aming tips upang makatulong tayong maibsan ang paglala ng global warming:

  1. Magtanim ng mas maraming punongkahoy.
  2. Huwag mag-aksaya ng tubig, sa halip ay magtipid.
  3. Huwag magsunog ng mga produktong plastic.
  4. Sa halip na gumamit ng plastic bag, makabubuting gumamit na lamang ng supot na papel o tela.

(Eagle News Tarlac Correspondent, Aser Bulanadi)