Tatlo patay sa sunog sa Mandaue City, Cebu

MANDAUE City, Cebu (Eagle News) Tatlo, kabilang ang isang mag-ina, ang natagpuang patay sa isang sunog sa Estancia, Mandaue City, Cebu nitong Huebes, Setyembre 1.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Ma. Lyn Quano King, 50 taong gulang, at ang kanyang anak na si May Crislyn Quano King, 16 taong gulang, na natagpuang magkayakap.  Samantalang ang isa pang biktima na si Nestor Quano ay natagpuan naman sa comfort room.

Sa kasalukuyan ay dalawa ang posibleng pinagmumulan ng sunog.  Una, ang faulty wiring ng air conditioning;  pangalawa, sa kusina kung saan maaari raw na nagluluto si Aida Quano, isang guro, bago naganap ang sunog.  Si Aida ay  nagtamo ng 2nd at 3rd degree burns at sa kasalukuyan ay ligtas na at nasa pagamutan.

Courtesy:  Glorbendil Soquite

Related Post

This website uses cookies.