Tatlo sugatan matapos mabangga at mahulog ang pampasaherong bus sa bangin sa Quezon

CALAUAG, Quezon (Eagle News) — Tatlong tao ang nasugatan matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa  Calauag, Quezon, kamakailan.

Ayon sa ilang mga residenteng nakasaksi sa pangyayari, isang private Toyota Avanza sport utility vehicle, with temporary plate no. VY 7116, na nasa southbound lane patungong Bicol ang nag-pupumilit na maunahan ang sinusundan nitong mga sasakyan.

May isang pampasaherong bus (Bicol Isarog) na galing Bicol patungong Maynila ang bumulaga sa kaniya sa Brgy. Doña Aurora.

Hindi na nagawang makabalik sa tamang linya ang SUV, kaya tuluyan itong sumalpok sa nasabing kasalubong na bus.

Sa lakas ng impact ay nahulog ang pampasaherong bus sa bangin.

Isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang tatlong taong nakasakay sa bus na nasugatan.

Bagaman walang nasaktan sa mga nakasakay sa SUV, nawasak ang unahang bahagi nito.

Sa kasalukuyan, ang parehong driver ng mga nasabing sasakyan ay nasa himpilan na ng pulis.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung magsasampa ng kaso laban sa mga driver. (Eagle News Correspondents Tolitz Magdalaga and Allan Alinio)

Related Post

This website uses cookies.