Tatlong bagong kapilya ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas

QUEZON City, Philippines — Tatlong bagong barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan at itinalaga sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas.

Sa bayan ng Concocep, Ocampo, Camarines Sur ay itinalaga ang isang bagong barangay chapel sa pangunguna ng District Supervising Minister ng Camarines Southeast na si kapatid na Agapito M. Galapon Jr.

Ang barangay chapel na ito ay itinayo sa bundok ng Isarog kaya naman ito ay tinawag na Isarog Heights Extension. Ang nasabing barangay chapel ay pang-siyam sa naitayong gusaling sambahan sa Distrito ng Camarines Southeast mula Abril 2015.

Samantala, itinalaga rin ang bagong kapilya ng INC na mayroong 100 seating capacity sa timugang bahagi ng Quezon. Ang pagpapasinaya ay pinangasiwaan ni kapatid na Alberto P. Tolentino, ang District Supervising Minister ng Quezon South.

Sa hilagang bahagi naman ng Nueva Ecija ay pinasinayaan din ang isang bagong barangay chapel na mayroong 95 seating capacity.

Ang bagong kapilyang ito ay matatagpuan sa Sitio Villa Nati, Barangay Casulucan, Sto. Domingo, Nueva Ecija, na mayroong limang kilometrong layo mula sa mother lokal.

Ito na ang ika-labing tatlong gusaling sambahan na naipatayo sa distrito. Ang pagtatalaga sa nasabing chapel ay pinangunahan ni Kapatid na Romulo M. Ferma, ang District Supervising Minister ng Nueva Ecija North.

Labis naman ang pagpapasalamat ng mga kapatid sa bawat lokal na nabanggit sa kadahilanang malayo man sila ay patuloy nilang nadarama ang pagmamahal ng namamahala at pagmamalasakit sa kabuuan ng Iglesia sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

(Eagle News Service Description by MRFaith Bonalos, Reported by Ben Salazar, Eagle News Correspondents, Camarines Sur, Melchor Santiago, Quezon, Brian Formanes, Nueva Ecija Emil Baltazar)

Related Post

This website uses cookies.