Tatlong Balangay nakabalik na mula sa 22 araw na expedition sa China

Ni Nora Dominguez
Eagle News Service

SAN FERNANDO CITY, La Union (Eagle News) – Dumaong sa Puro Point sa San Fernando City, La Union ang tatlong barko na binansagang Balangay matapos ang 22 araw na expedition sa China noong Mayo 19.

Pinangunahan ni Undersecretary Arturo Valdez ang 33 na miyembro ng crew ng tatlong Balangay mula sa 22 araw na expedition.

Abril 28 nang magsimulang lumayag ang mga ito patungong Xiamen, China.

Ayon kay Valdez, anim na araw na naglakbay sa dagat ang Balangay hanggang sa marating ang Xiamen.

Mula doon ay sumakay ng tren ang mga miyembro ng crew upang marating ang Dezhou na nasa silangang bahagi ng Shandong Province.

Ayon kay Valdez, layunin ng Balangay expedition na gunitain ang paglalayag noong 1417 na pinangunahan ni Sultan Padula Pahala, ang kauna-unahang sultan sa Sulu na nailibing sa Shandong, China.

Anim na raang taon ang nakaraan, ang Sultan ng Sulu ay naglayag sa timugang bahagi ng bansa upang bigyang pagkilala ang Yongle emperor ng Ming Dynasty sa Beijing.

Ang expedition ay nagsimula pa noong 2009, kung saan ang miyembro ng crew ng Balangay ay nagsimulang maglayag mula Tawi-Tawi sa timugan ng bansa para sa 17 buwan na paglalayag.

Dumaong ito sa port ng Brunei, Indonesia, Singapore, Japan, Cambodia at Vietnam, subalit hindi nagtagumpay ang kanilang unang attempt matapos abutan ito ng sama ng panahon.

Related Post

This website uses cookies.