Tatlong barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan na

Tatlong bagong barangay chapels ang naipatayo ng Iglesia Ni Cristo sa mga lalawigan ng La Union, Nueva Ecija at Palawan.

Labis naman ang naging pasasalamat ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa pagkakaloob sa kanila ng mga bagong bahay sambahan na kanilang magagamit sa kanilang mga pagsamba.

Lubos din ang kanilang pagpapasalamat sa Panginoong Diyos at maging sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo.

(Agila Probinsya Correspondents Alejandro Javier, Westhly Morados, Joshua Guerrero)