PHP3 milyon na halaga ng heavy equipment ng isang construction company sa Zamboanga Del Sur, sinunog 

(Eagle News) — Sinunog ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tatlong heavy equipment na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Zamboanga Del Sur kamakailan.

Base sa inisyal na imbistigation ng Philippine National Police, nasa labin-limang mga armadong lalaki ang umatake sa bunkhouse ng Ramona Construction Company sa Dumingag, Purok Uno, Barangay Licabang.

Binuhusan nila ng gasolina ang mga nakaparadang dump truck at saka sinilaban ang mga ito.

Pagkatapos sunugin ang mga nasabing equipment ay mabilis na tumakas ang rebeldeng grupo sa di pa matukoy na lugar.

Aabot naman sa tatlong milyong piso ang halaga ng mga nasunog na equipments.

Patuloy pa ngayong inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang ginawang karahasan sa pangingikil sa mga rebeldeng grupo.

Nagsagawa na ngayon ang pulisya at militar ng hot pursuit operation para tugisin ang mga rebelde.