Tatlong magkakapatid, patay matapos makuryente

CALASIAO, Pangasinan (Eagle News) – Patay ang tatlong magkakapatid matapos na makuryente ang mga ito sa Sitio Baybay, Brgy. Nagsaing, Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ni PCInps. Norman Florentino, PIO ng Pangasinan PPO ang mga nasawi na sina Lenard Christian Reyes, 16; Francine Leyre, 12; at Reynaldo Reyes, isang taong gulang. Ang mga biktima ay natagpuan nakalutang sa sapa sa likod ng kanilang bahay.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na nakuryente ang magkakapatid ng isang live wire na gamit ng kanilang pamilya sa electric fishing, na nasa likod lang ng kanilang bahay.

Ayon kay Gina, ina ng mga biktima, nasa loob ito ng palikuran ng mapakialaman ng kaniyang panganay na anak ang extension wire na ginagamit sa pagkuryente ng isda.

Nakita naman ni Francine ang nangyari sa kaniyang kuya kaniyang kaya sinubukan niya itong sagipin habang buhat ang bunsong kapatid na isang taong gulang, dahilan para makuryente ang dalawa pa.

Naitakbo ang mga biktima sa Pangasinan Provincial Hospital ngunit pawang idineklara na ang mga itong dead on arrival. (Nora Dominguez, Eagle News Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.