Eagle News – Agad na ipinag-utos ni Regional Director Chief Supt. Jose Gentiles ng Police Regional Office 6 ang pag-rerelieve sa puwesto ng tatlong hepe ng pulis sa mga bayan na ang alkalde ay kasamang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dawit sa illegal na droga.
Ang tatlong Chief of Police ay sina;
- Senior Insp. Bonifacio Alabe hepe ng Calinog PNP.
- Police Insp. Ma. Theresa Lero hepe ng Maasin PNP.
- Chief Insp. Terence Paul Sta. Ana hepe ng Carle PNP.
Ni-relieve din sa pwesto bilang hepe ng Pavia PNP si Chief Insp. Vicente Vicente na isa sa mga pinangalanan ng Pangulo na sangkot din sa illegal na droga.
Sa kasalukuyan sina Alabe, Lero at Sta. Ana. ay pansamantalang nilipat sa Ilo-Ilo Provincial Police Office at si Vicente naman ay sa Campo Crame. Wala pang inilabas na pangalan ang PRO-6 na papalit sa apat na hepe na ni-relieve sa pwesto.
(Eagle News Correspondent Ian Rose)