TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Tumanggap ng Medalya ng Kagalingan ang tatlong police ng Philippine National Police-Tayug. Ito ay pagkilala sa kanilang trabaho bilang Assault Team sa matagumpay na search warrant operation noong July 13, 2016 sa bayan ng Tayug, Pangasinan.
Ang nasabing mga pulis ay sina, PO2 Junir Tabilin, PO3 Dave Castillo at Police Chief Inspector Marcos Anod.
Siyam ang kabuuan ng pulis na mula sa iba’t-ibang lalawigan ng Region 1 ang nakatanggap ng nasabing medalya. Iginawad ito sa Police Regional Office 1 Grandstand, San Fernando, La Union sa pangunguna ni acting Regional Director Police Chief Superintendent Gregorio R. Pimentel.
Ayon kay PO2 Tabilin, masaya siya dahil sa nakatanggap siya ng award. Patuloy aniya niyang pagbubutihin ang pagiging Pulis para sa mapayapang Bayan.
Ayon naman kay PO3 Castillo, masaya siya pati na ang kaniyang pamilya dahil na-re-recognized ang kanilang mga trabaho. Lalo pa aniya niyang pagbubutihin ang pagtupad niya ng kaniyang tungkulin. Tutulong aniya siya para maisulong ang pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot dahil walang naman itong mabuting maidudulot sa lipunan.
Ayon naman kay Police Chief Inspector Marcos Anod, masaya siya at nagpapasalamat dahil nakikilala ang kanilang hirap at trabaho. Kahit aniya marami na siyang award na natanggap ay patuloy pa rin niyang pagbubutihin ang kaniyang trabaho para sa mas mapayapa at mas maayos na Bayan.
Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan