Tatlong tourist destination ng Pilipinas, tampok sa The New York Times Travel Show

(Eagle News) — Tampok ang tatlong pinaka-popular na tourist spots sa bansa sa “The New York Times Travel Show”.

Kabilang dito ang Boracay, Palawan at Cebu sa 2016 Reader’s Choice Awards ng Condé Nast’s Traveler.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maraming panauhin sa travel show ang nag-tanong ukol sa Palawan dahil sa reputasyon nito bilang International island resort at dahil sa Puerto Princesa under-ground river.

Ang New York Times Travel Show ay isang three-day event na nagta-tampok ng halos liman-daang exhibitors mula sa isan-daan at limampung bansa.